Murang Used Owner Type Jeep

Isa ka ba sa mga Pinoy na kahit nauuso na ang mga sasakyang mamahalin ay naghahanap parin ng owner type jeep dahil ito ay matipid sa gasolina, astig at maporma? Tama ang iyong napuntahan kaibigan! Ang website na ito ay para saiyo. Pag uusapan natin ang mga paksang tulad ng:

Paano ba napunta sa Pilipinas ang mga owner type jeep?

Paano ako makakahanap ng used owner type jeep for sale?

Mayroon bang car delears na malapit sa aking lugar na may owner jeep for sale?

 

Kasaysayan ng owner type jeep sa Pilipinas

Noong panahong nagsimula nang magsimula nang magsi-alisan ang mga Amerikanong sundalo noong katapusan ng digmaang pandaigdig II, daan daang mga jeepney ang ibinigay o ibenenta ng mga Kano sa mga Pinoy. Alam mo na, ang mga Pinoy ay mahilig sa inobasyon, kaya naman ang mga jeepney na gawa ng mga Kano ay naging original Pinoy made. Ang mga Pinoy takot mainitan kasi nga ayaw na ayaw natin ang umitim, kaya yung mga lolo natin na nakabili ng mga jeepney na American style, ginawa nilang coverted ang mga ‘yun. Nilagyan nila ng bubong para panangga hindi lamang sa init ng araw kundi pati t na rin sa ulan. Ayaw ng mga Pinoy ang kulay itim, patay ang kulay na ito kaya’t pininturahan nila ng sari-saring kulay ang kanilang mga jeep. Gusto natin maramihan ang maisasakay mo sa sasakyan, kay’t ginawan nila ng paraan na mas marami ang maisakay sa kanilang mga jeepney. Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayo ngayong mga pampasaherong jeepney na kayang mag sakay ng higit 20 pasahero. Ang mga jeepney na hindi na hinabaan na tulad ng pampasaherong jeep ay tinatawag na owner, pinaikling anyo ng salitang owner type jeep. Ito ay ginagamit bilang pribado at hindi pampasaherong sasakyan.

Pakinabang ng owner type jeep

Sa panahon ngayon, nag sulputan ang mga mamahaling mga kotse, sino ba naman ang ayaw sumakay sa komportableng sasakyan? Pero bakit marami parin ang naghahanap ng owner type jeep na for sale? Ito’y dahil sa ang owner jeep ay hindi masyadong mahal kumpara sa kotse. Ang gastos sa maintenance ng ganitong mga sasakyan ay hindi hamak na mas mura kumpara sa sikat na mga kotse. Mura ang mga pyesa ng owner type jeep.

Saan makakahanap ng used owner type jeep na for sale?

Ano ba ang mga requirements para magkaroon ng owner type jeep? Simple lang, kung gusto mong magkaroon ng owner jeep, mag ipon ka ng pera, dahil hindi tulad ng ibang mga sasakyan, walang bangkong nagpapautang para sa ganitong sasakyan. Kung may pambili ka na, madali kang makakahanap ng owner type jeep na for sale.
May mga naghahanap din ng used owner type jeep for sale. Kadalasan, ito ay ibenebenta sa mga classified ads sites sa internet. Paalala lamang, siguraduhing magugustuhan mo owner type jeep na binibili bago mo ito bayaran. Kung minsan ay magbabyahe ka pa ng malayo para bilhin ang owner pagkatapos ay magsisisi ka sapagkat maraming sira ang sasakyang nabili mo. Kaya irinerekomenda namin ang pagbili sa mga supplier na mapagkakatiwalaan.

Narito ang mga supplier ng rebuilt used owner type jeep dito sa Pilipinas:

 
 

Firebird Trade Centre – Used Owner Jeep for Sale

E. Aguinaldo Highway, Real 1, Bacoor, Cavite

Call 0928 246-7877

TXT 0928 246-7877

 
 

Goldwings Display Center Owner Type Jeep Sale

Aguinaldo Highway, Tanzang Luma VI, Imus Cavite

Goldwings Display Center

Call 0916 348-4068

TXT 0916 348-4068

 
 

Patindig Araw Display Center – Used Owner Type Jeep for Sale

Patindig Araw Imus Cavite

Call 0919 982-9612

TXT 0919 982-9612