Mga Pagpipilian sa materyales at makina ng owner type jeep

Mga Pagpipilian sa materyales at makina ng owner type jeep

Ang owner type jeep ay sadyang dinisenyo para sa mga Pinoy na kagaya mo at may mga pagpipilian ka, una ay sa mga materyales at makina gagamitin sa owner type jeep mo.

Pwede kang kumuha ng full stainless na owner type jeep na for sale, ang pinakamahal na uri ng owner type jeep subalit ito rin ang pinakamatatag. May mas murang version din ng owner na gawa sa galvanized iron.

Ang makina ng karamihan sa mga owner type jeep ay gasoline type, ibig sabihin, ito ay kumokunsumo ng gasolina para umandar. Pero, may mga pagawaan ng owner type jeep na gumagawa rin ng diesel type na mga owner type jeep, de-krudong makina na nangangahulgan na ito ay mas matipid katulad na katulad ng pampasaherong mga jeepney.

Kung gusto mo ng mas mura, doon ka na sa gasoline type owner type jeepney na for sale. Pero kung gusto mo ng matipid, mas maganda saiyo ang de krudong owner.

Mga uri ng owner type jeep na for sale

Kung kukuha ka ng owner type jeep, hindi limitado sa iisang desenyo ang iyong pagpipilian. Una sa lahat walang dalawang owner type jeep ang eksaktong magkapareho. Dahil sa marami nang owner type jeep ang nagawa ng mga manufacturer, tiyak na ang kanilang mga gawang disenyo ay naimpluwensyahan na ng kanilang mga nakaraang mga proyekto.

owner type jeep tikya
owner type jeep tamiya

Owner Type Jeep for Sale: Tikya

Sa pasimplihan, panalo diyan ang tikya type owner type jeep. Ang tikya na owner ay the best sa iyo kung nag-eenjoy ka sa mahanging pagbiyahe sapagkat bukas ang palibot nang sasakyan ito, syempre maliban sa wind shield. Wala ito takip sa side o sa likod ng sasakyan. Meron din itong bubong na nakakabit sa mga metal bars ng sasakyan ngunit ito ay para lamang sa mga pasahero na nakaupo sa may driver’s seat. Ang kakarampot na space sa likod ng sasakyang Tikya ay hindi natatakpan ng anumang bubong.

Ang ganitong uri ng owner type jeep ay maganda lang kung ang girlfriend mo lang sakay mo sa maaraw na pagbiyahe. Kung sa pag-aakala mong matutuwa saiyo ang iyong pamilya sa ganitong uri ng owner, naku nagkakamali ka, huwag mong isasakay ang mga kapamilya mo sa tikya owner type jeep lalo na kung maulan!

Owner Type Jeep for Sale: Tamiya

Ang Tamiya owner type jeep ay katulad din ng Tikya na may bukas na mga sides. Pero ang Tamiya na owner type jeep ay may konkretong bubong at takip sa likod ng sasakyan. Kumpara sa Tikya, ang Tamiya ay makapagbibigay ng karagdagang proteksyon laban sa araw at ulan.

Kung marami kang mga bagahe o pangarga o mga pasaherong makikisakay, mas maganda ang owner type jeep na Tamiya kumpara sa Tikya.

owner type jeep offroad 4x4
owner type jeep long body

Owner Type Jeep for Sale: Box Type

Narinig mo na ba ang salitang owner type jeep na box type? Ang totoo, ito ay isa pa sa tawag sa Tamiya owner type jeep. Dahil sa ang mga side at likod nito ay straight o plain lamang ang pagkakagawa, ito ay tinatawag na box type.

Owner Type Jeep for Sale: Long body

Long body owner type jeep naman ang kailangan mo kung magkakarga ka ng maraming mga gamit o ilang pasahero. Hindi kasi tulad ng Tikya o box type na maiksi, ang long body ay may mahabang likuran na pwedeng pag sakyan ng mga pasahero. Maganda ang long body owner type jeep sa pamilyang may maliliit na mga anak o kaya ay naghahakot ka ng maraming pangarga sa negosyo mo.

Owner Type Jeep for Sale: Lowered

Kung gusto mo naman ng mapormang modified na owner type jeep, bagay saiyo ang lowered owner type jeep. Lowered ang tawag dito kasi nga, ang mga shock absorber ng sasakyan ay binawasan kaya ang mismong chassis ng kotse ay malapit ng sumayad sa kalsada. Ito ay gusto ng mga taong mahilig sa racing car, kaya ang ginawa nila, owner type jeep na kasing baba at kahawig ng mga kotseng pangkarera. Ang mahirap lang sa ganitong uri ng ownert type jeep ay madali itong masira lalo na kung mga kalsada sa lugar ninyo ay malubak. Ito ay maganda lamang sa mga lugar na patag at smooth ang kalsada.

Owner Type Jeep for Sale: Pick-up type

May owner naman na kung tawagin ay pickup style kasi nga, ang itsura nito ay parang sa pick up na truck. Karamihan sa mga owner type jeep pick up type ay sadyang ginawa para sa malulubak at mapanganib na mga kalsada. Di tulad ng lowered na owner type jeep, ang pickup type may mataas na suspension na bagay sa mga rough roads.

Owner Type Jeep for Sale: Aircon type

May owner type jeep for sale din na may aircon. Kaya kung ikaw ay may alta presyon at palaging nanganganib na magka heat stroke, ang owner type jeep na ito ang kunin mo! Tama din ito kung naiinis ka sa alikabok at polusyon na nasa kalsada. Ang disenyo nito ay katulad sa modernong mga kotse na closed ang mga pintuan at bintana. Alam mo, kapag aircon type na owner type jeep ang binili mo, para ka na ring nag maneho sa northern USA.

May iba pang mga owner type jeep na hindi gaanong sikat tulad na lamang ng 4X4 na owner at owner type jeep na automatic. Ito ay bibihira dahil sa pagiging kumplikado ng mekanismo ng mga sasakyang ito. Kadalasan sa mga mga driver ng owner, gusto nila ng manual transmission, ngunit kung gusto mo ng automatic type na owner type jeep ay pwede naman. Tawagan mo ang iyong pinagkakatiwalaang owner type jeep manufacturer nang malaman nila ang gusto mo.