Ano ang pinaka murang kotse?

Pagod ka na ba kayong makipag siksikan sa tricycle o sa kakarag-karag na jeepney? Dahil sa umuunlad na ekonomiya ng bansa, maraming mga Pinoy sa ngayon ang gustong bumili ng kotse para maging kumbenyente ang kanilang pag byahe. Subalit ang pagbili ng bagong kotse sa mga kumpanyang tulad ng Chevrolet, Ford, Toyota at iba pang malalaki at sikat na mga brand ay napaka mahal kaya kakaunti lamang ang pwede makabili, kadalasan ay hulugan pa.

Kung gusto mong bumili kotse ngunit maliiit lamang ang iyong budget, alam naming naghahanap ka ng pinaka murang kotse. Pwede kang maghanap ng murang 2nd hand na sasakyan, pero tandaan na limitado lamang ang iyong mapagpipilian sapagkat marami rin ang naghahanap ng murang kotse sa ngayon.
 
 

Bumili ng owner type jeep:

Brand new, used o gusto mo ng diesel?

 
 

Ang murang kotse sa Pilipinas

So, ano nga ang solusyon sa para makakuha ng murang sasakyan? Ang totoo, ang Pilipinas ay may kakaibang opsyon para makapag maneho ka ng isa sa pinaka murang kotse, ito ay ang owner type jeep!

Ang owner type jeep ay sadyang pina simple para hindi lang maging mura kundi maging mas madali ang pag repair kung nagkaka aberya ang sasakyan.

Nakita ka na ba ng gasgas o damage sa isang imported at branded na kotse? Kahit ang kaunting repair sa pintura ng ganoong mga kotse ay napaka mahal! Pero sa owner type jeep, ang pintura ay hindi gaanong ma maintenance. Kahit na ang mga pyesa ay mura rin, makakakuha ka ng surplus na mga pyesa saan man sa mga syudad dito sa Pilipinas.

Kung marunong kang humawak ng screw driver, tiyak na matututo kang mag repair ng iyong owner type jeep. Kung kakailanganin mong kumuha ng serbisyo ng mekaniko, ang paggawa ay mabilis na matatapos kaya mura ang iyong babayaran. Hindi gaanong kumplikado ang teknolohiya na ginagamit sa mga owner type jeep.

At ang pinaka maganda, ang owner type jeep ay magandang pamporma! Lalo na kung pag iisipan ang pag lagay ng mga decal sticker at iba pang mga accessories, ang iyong sasakyan ay magiging isang unique na obra maestra na magdaragdag ng magandang karanasan sa pag mamaneho mo.

Magkano ang murang kotse?

Alam mo ba kung magkano ang pinaka murang kotse? Ang brand new owner type jeep na diesel ay nagkakahalaga lamang ng humigit kumulang P150,000. Kung di-gasolina ang iyong owner type jeep, baka mas mababa pa sa P100,000 ang iyong magagastos! Makakakuha ka rin ng murang owner type jeep na second hand. Makakabili ka sa OLX.com (classified ads website na may seksyon para sa bentahan ng murang sasakyan) ng mas murang mga second hand na owner type jeep.

Pero iminumungkahi naming na kung gusto mong maenjoy ang iyong pagsakay, kumuha ka na lamang ng brand new na owner type jeep, para iwas sakit ng ulo na rin sa mga hindi inaasahang repairs.

Kung gusto mo ng owner type jeep na sadyang ginawa para lamang sa’yo, makakakuha ka ng mga shop na gumagawa ng ganitong mga sasakyan sa Cavite at Laguna. Kung gusto mo namang sasakay ka na lang, ready to ride owner type jeep, mabibili mo ang pinaka murang kotse sa Imus, Cavite, Philippines.
 
 
Tags: murang kotse hulugan, murang kotse sa pilipinas, murang bentahan ng kotse, pinaka murang kotse, bentahan ng murang kotse, murang sasakyan, murang kotse, murang kotse na hulugan, murang sasakyan for sale, bentahan ng kotse, mga murang kotse, murang 2nd hand na sasakyan, murang kotse for sale philippines, pinakamurang sasakyan, murang sasakyan binebenta, murang kotse binebenta