Simula noong Pebrero 2017, ang mga pasahero sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog ay magbabayad na ng P8.00 bilang minimum jeepney fare bilang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. Bago nito, P7.00 lamang ang pamasahe, ngunit ngayong taong 2017 it ay walong piso na.

Noong Pebrero taong 2017, pinayagan na ng LTFRB ang mga public utility jeepney operators na magkolekta ng dagdag na singil sa unang apat na kilometro. Ang bayad naman sa susunod na kilometro ay nananatili sa P1.50 bawat kilometro.

Bakit nagkaroon ng jeepney fare hike?

Ang karagdagang singil na ito sa jeepney fare matrix ngayong 2017 ay bunga ng pag-aksyon ng LTFRB sa petisyon ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines at Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburb Drivers Association Nationwide. Ang mga grupong ito ay humingi ng fare hike dahil sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina. Sa kanilang order, sinabi ng LTFRB na ang tama lamang ang pagtaas ng pamasahe dahil sa mataas din naman ang presyo ng krudo sa mga pakargahan.

Ayon sa LTFRB, bagaman alam ng board ang hinaing ng mga Pinoy kapag tumataas ang pamasahe at iba pang mga pangunahing bilihin, hindi sila pwedeng magbingi-bingihan sa hinaing ng mga transport sector tungkol sa pagkalugi sa kanilang arawang kita dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.

Sa kabilang banda, mas binigyang diin ng LTFRB ang pangangailangan na magbigay ng 20% discount sa mga senior citizen, mga may kapansanan at mga estudyante.

Ang mga jeepney driver at operator ay obligado na magpaskil ng kopya ng Jeepney Fare Matrix 2017 sa loob ng kanilang mga pampasaherong jeepney para malinaw na makita ng mga pasahero.