Sa hirap ng buhay at higpit ng kumpitisyon para magkaroon ng disenteng trabaho, marami sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung paano ba maging isang jeepney driver. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga impormasyon tungkol sa pagiging jeepney driver kasama na ang jeepney driver job description, jeepney driver income, jeepney boundary system at rate kasama na ang mga impormasyon tungkol sa jeepney for sale with franchise line.

Paano maging isang jeepney driver?

Gusto mo bang maging isang jeepney driver? Ang hanapbuhay na ito ay maganda, kung ikaw ya isang jeepney driver, magtatrabaho ka ng walang amo dahil ikaw ang boss ng sarili mong jeepney! Oo, mahirap din naman ang pag mamaneho ng sampung oras bawat araw lalo na kung ang iyong linya ay lugar na matraffic.

Ano ba ang jeepney driver job description, o ang kasali sa trabaho ng isang driver ng jeepney?

  • Kailangan mo ng matalas na paningin sa mga sumasakay at nagbabayad ng pamasahe
  • Humawak ng pera at magkwenta habang nagmamaneho
  • Maging alisto sa mga hindi nagbabayad
  • Kailangan mong maging isang mahusay na driver dahil maraming buhay ang hawak sa trabaho mo
  • Kailangan mong matututo ng pag-ayos ng karaniwang mga sira ng makina ng jeepney

Paano magsimula ng jeepney business?

Una sa lahat, kailangan mo ng pera pambili ng brand new jeepney. Kung ikaw ay kukuha ng jeepney na hulugan, kailangan mo munang kwentahin kung kaya mo bang magbayad ng buwanang hulog. Sabagay, kung ikaw mismo ang magmamaneho ng iyong sasakyan, libre ka na sa jeepney boundary na maaari mong ipunin bilang pambayad sa buwanang hulog.

Ano ang jeepney boundary rate, o magkano ang boundary ng jeep? Ang jeepney boundary ay depende sa lugar kung saan mo ipapasada ang iyong jeepney. May mga lugar na ang mga jeepney operator ay humihingi ng P700.00 na arawang boundary.

Sa pagsisimula ng iyong jeepney business, ang pagkuha ng jeepney franchise o prangkisa ay ang medyo magastos bukod sa pagpapagawa ng jeep. Ang prangkisa ay makukuha sa pamamagitan ng pag-apply sa LTFRB office na nakakasakop sa inyong lugar. Kapag nag-aaply ka ng jeepney franchise, sasabihin saiyo kung ano talaga ang jeepney franchise cost.

Malamang ay naghahanap ka ng jeepney for sale with franchise line o ng passenger jeep with franchise for sale. May mga jeepney manufacturer na nagbebenta ng brand new passenger jeep na may kasama nang prangkisa, tulad ng Double AA Motor Works. Ang Double AA Motor Works ay nagbebenta ng brand new passenger jeep na may prankisa sa para sa mga ruta ng jeepney sa Maynila.

Magkano ang kita bilang jeepney driver?

Ang pagiging jeepney driver ay isang magandang hanap buhay. Pero bukod sa ito ay nakakapagod na trabaho, kailangan mong siguruhing ikaw ay makakakuha ng sapat na pasahero araw-araw upang makabalik ang iyong gastos nang sa ganon ay kumita ka talaga.

Halimbawa ay may 50 pasahero kang maihahatid bawat oras sa P8.00 bawat isa, kikita ka ng P400.00 bawat oras. Kung magmamaneho ka ng 10 oras, kikita ka ng P4000 bawat araw!

Magkano ba ang gastos sa pagmamaneho ng pampasaherong jeepney? Ang jeepney ay kumukonsumo ng isang litro ng krudo bawat 4.5 kilometro. Kung ikaw ay makaubos ng 20 litro kada araw, ikaw ay gagastos ng P600 para sa krudo araw-araw.

Magkano ang papasok sa bulsa ng isang jeepney driver araw-araw? Humigit kumulang P2400.00 kung ibabawas ang gastos sa krudo at boundary!

Kung ikaw ay magmamaneho ng 25 araw bawat buwan, ikaw ay kikita ng P60,000 buwan buwan! Kung magbabayad ka ng buwanang hulod na P20,000, may maitatabi kang P40,000 para sa pamilya mo!
 
 
Tags: jeepney drivers, jeepney driver, jeepney business philippines, jeepney franchise, jeepney driver income, jeepney boundary system, jeepney boundary, jeepney business, jeepney driver job description