Morales Motors Jeepney For Sale

Sa pagbili ng jeepney, mas makatitipid ka kung willing kang mag invest ng mas malaking halaga. Ano nga ba ang ibig naming sabihin? Simple lang, kung gusto mong magkaroon ng sarili mong jeep, maging ito ay pampasahero o pampamilya, ang pagbili ng brand new jeepney ay siya paring praktikal kumpara sa kukuha ka ng second hand na jeepney. Kung kukuha ka ng bagong jeepney, hindi mo na kailangang mainis sa kalawang at sa mga hindi inaasahang aberya na kaakibat ng pagbili ng segunda manong sasakyan.

Totoo, ang pagbili ng brand new jeepney ay nangangahulugan ng mas mataas na gastos, kailangan mo muna kasing mag ipon ng malalaki laking pang cash para tipid na rin. Mas mahal kasi ang brand new jeepney kung ito ay kukunin mo ng installment o hulugan. Pero sa pagdaan ng panahon, ikaw na rin mismo ang makapagsasabi na sulit ang investment mo sa brand new, at cash na jeepney.

Kung naghahanap ka ng mapagkakatiwalaang jeepney manufacturer, pwede mong lapitan ang Morales Motors sa San Mateo, Rizal.

Ang Morales Motors ay kilalang taga gawa ng affordable ngunit patok na mga jeepney, passenger jeepney man o family service.

Marami sa mga nakabili na ng Morales jeepney ang nagsasabi na ang jeepney na gawang Morales ay patok sa masa at dagdag pogi points!

Ikaw gusto mo ba ng brand new jeepney na pampa-pogi points, gawang Morales Motors? Tawag na sa Morales Motors Corporation telephone number na nakalista sa ibaba.
 
 

25 Gen. Luna St., Banaba, San Mateo, Rizal

Morales Motors Jeepney

Call 0998 975 3819

TXT 0998 975 3819

 
 

Morales Jeepney Price List and Installment Plan

Narito ang pinaka-bagong Morales jeepney price list na maaari mong maging basehan kung ikaw ay naghahanap ng pampasaherong jeepney na swak sa budget mo!

 
 

12 Passenger Jeepney

Running Unit

reconditioned Isuzu 4BE1 engine, galvanized iron body, stainless parts, Acrylic paint with Air brush design

Cash Price₱ 900,000
Installment₱ 1,305,000
Down Payment₱ 450,000
Balance₱ 855,000
Monthly (36 month)₱ 23,750

reconditioned Isuzu 4BC2 engine, galvanized iron body, stainless parts, Acrylic paint with Air brush design

Cash Price₱ 860,000
Installment₱ 1,247,000
Down Payment₱ 430,000
Balance₱ 430,000
Monthly (36 month)₱ 22,694